Isang hanggahang bayan ng Benjamin na nasa timog-silangang sulok ng teritoryo ng tribong ito at nasa hangganan sa pagitan ng Benjamin at Juda. (Jos 15:1, 6; 18:11, 19, 21) Karaniwang ipinapalagay ng mga iskolar na ang Bet-hogla ay malapit sa ʽEin Hajla, mga 8 km (5 mi) sa TS ng Jerico.