EMEK-KEZIZ
[Mababang Kapatagan ng Pagkalipol].
Isang Benjamitang lunsod. (Jos 18:21) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon ng Emek-keziz. Batay sa kahulugan ng pangalan nito at yamang binanggit ito kasama ng Jerico, Bet-hogla, at Bet-araba na nasa Libis ng Jordan, maaaring nasa kapaligiran ding iyon ang lugar na ito.