Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako”
  • Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Aralin Bilang 1—Isang Pagdalaw sa Lupang Pangako
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • “Isang Lupaing Mabuti at Maluwang”
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • Palestina
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Praktikal na mga Aral Mula sa Lupang Pangako
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako”

FEATURE

Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako

ANG lupaing ibinigay ng Diyos sa sinaunang Israel ay may pambihira at sari-saring heograpikong kaanyuan. Sa hilaga ay mga bundok na nababalutan ng niyebe. Ang mga lugar naman sa timog ay tropikal. Sa loob ng mga hanggahan nito ay may mabunga at mabababang lupain, maburol na mga lupaing mapagtatamnan at mapagpapastulan ng mga kawan, at mga tiwangwang na ilang. Matatagpuan sa maituturing na maliit na lugar na ito ang iba’t ibang heograpikong kaanyuan ng planetang Lupa.

[Mapa sa pahina 333]

MAPA: Heograpikong Kaanyuan ng Lupang Pangako, Satellite Map

Kahangga ng Dagat Mediteraneo sa dulong silangan ang isang matabang kapatagan. Sa dakong silangan ng kapatagang ito ay naroon ang Sepela, na isang maburol at mababang lupain na sagana sa ubasan at taniman ng olibo. Sa mas gawing silangan pa, isang kabundukan na mistulang isang pagkalaki-laking gulugod ang bumabagtas sa kahabaan ng lupain. Pagkatapos, ang lupain ay biglang lumulusong sa Rift Valley, na humahati sa lupain nang pahaba. Sa Rift Valley na ito nagpapaliku-liko ang Ilog Jordan mula sa Dagat ng Galilea pababa sa Dagat Asin. Sa silangan ng Jordan ay makikita ang matatabang burol at mga pastulan. Sa ibayo ng kaakit-akit na lupaing ito, sa dakong silangan, ay nagsisimula ang Disyerto ng Arabia.

Noong kagandahan nito, ang Lupang Pangako sa kabuuan ay tulad ng hardin ng Eden. Kaya nga, ang Israel ay nagsilbing isang maliit na halimbawa ng Paraiso para sa sangkatauhang mabubuhay sa lupa sa ilalim ng Kaharian ng Diyos.

[Larawan sa pahina 332]

Isa sa mga bukal ng tubig ng Ilog Jordan, ang Nahr Banyas (Nahal Hermon)

[Larawan sa pahina 332]

Bundok Hermon, ang pinakamataas na lugar sa Palestina. Nakatutulong ang natutunaw na niyebe nito para magkaroon ng hamog sa lupain at tubig sa Ilog Jordan

[Larawan sa pahina 334]

Kitang-kita ang maringal na Bundok Tabor sa Libis ng Jezreel

[Larawan sa pahina 334]

Ang Libis ng Jordan. Dito nagpapaliku-liko ang ilog nang mga 320 km (200 mi) anupat sumasaklaw ng distansiyang 105 km (65 mi) patungo sa Dagat na Patay

[Larawan sa pahina 334]

Ang mabungang Libis ng Jezreel

[Larawan sa pahina 335]

Ang Ilang ng Juda. Dito nagtago si David mula kay Saul, at sa liblib na ilang na ito’y sinikap ng Diyablo na tuksuhin si Jesus

[Larawan sa pahina 335]

Mga pastulan sa Basan, sa silangan ng Dagat ng Galilea. Isang lugar na kilalá sa mga alagang hayop nito

[Larawan sa pahina 335]

Ang Kapatagan ng Saron. Sagana ito sa taniman ng sitrus hanggang sa ngayon

[Larawan sa pahina 336]

Hilagang baybayin ng Dagat ng Galilea, tanawin sa dakong hilagang-silangan

[Larawan sa pahina 336]

Mga namuong asin sa Dagat na Patay, isa sa pinakamaaalat na katubigan sa ibabaw ng lupa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share