Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Cesarea Filipos”
  • Cesarea Filipos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Cesarea Filipos
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Cesarea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Cesarea
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ang Cesarea at ang mga Sinaunang Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Mula sa Lawa ng Galilea Papunta sa Rehiyon ng Cesarea Filipos
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Cesarea Filipos”

CESAREA FILIPOS

[Cesarea ni Felipe].

Isang bayang matatagpuan sa pinagmumulan ng tubig ng Ilog Jordan, na katumbas sa ngayon ng maliit na nayon ng Banyas. Sa taas na 350 m (1,150 piye) mula sa kapantayan ng dagat, pambihira ang likas na kagandahan ng lokasyon nito. Ang tatlong panig ng nayong ito ay napalilibutan ng mga bundok, anupat nasa dakong HS ang Bundok Hermon na may taluktok na nababalutan ng niyebe, samantalang sa dakong K naman ay may mayabong at luntiang kapatagan na natutubigan ng isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng tubig ng Jordan na bumubukal mula sa isang kalapit na yungib.

Sa bayang ito naganap ang isang pagbabaka sa pagitan ng Ehipto at ng matagumpay na mga hukbo ni Antiochus III (na Dakila) (mga 200 B.C.E.). Noon ay kilala ito bilang Paneas, isang pangalang ibinigay sa bayan bilang parangal sa paganong diyos na si Pan, isang bathala ng pag-aanak na sinasamba roon. Noong taóng 20 B.C.E., ibinigay ni Cesar Augusto ang Paneas kay Herodes na Dakila, na nagtayo sa lugar na iyon ng isang templo na yari sa puting marmol na inialay naman nito kay Augusto. Nang maglaon, ang lunsod ay pinalaki at pinaganda ng anak ni Herodes, si Felipe na tetrarka, bilang parangal kay Tiberio Cesar. Pagkatapos ay pinangalanan itong Cesarea at, upang ipakita na iba ito sa daungang lunsod na kapangalan nito, tinawag itong Cesarea Filipos. Nang maglaon pa, muling pinalaki at pinaganda ni Herodes Agripa II ang lunsod, at pinalitan ng Neronias ang pangalan nito, bagaman hindi na rin ginamit ang pangalang ito pagkamatay ni Nero. Inilahad ni Josephus na, pagkatapos mawasak ang Jerusalem noong 70 C.E., si Heneral Tito ay nagpalabas doon ng mga labanan ng mga gladyador, anupat mga bihag na Judio ang ginamit niyang biktima. (The Jewish War, VII, 23, 24 [ii, 1]) Sa paglipas ng panahon, ang pangalan ng lunsod ay ibinalik sa sinaunang pangalan nito na Paneas, at sa Arabe (na hindi gumagamit ng “p”), ito’y naging Banyas.

Patungo si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa “mga nayon ng Cesarea Filipos” nang tanungin niya sila: “Sino ang Anak ng tao ayon sa sinasabi ng mga tao?” na humantong sa mahalagang pag-uusap tungkol sa batong-limpak na pundasyon ng kongregasyong Kristiyano at sa paggamit ng mga susi ng Kaharian ng langit.​—Mar 8:27; Mat 16:13-20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share