CANDACE
Isang reyna ng Etiopia; ang kaniyang ingat-yaman ay naging Kristiyano. (Gaw 8:27) Ang “Candace,” tulad ng “Paraon” at “Cesar,” ay itinuturing na isang titulo sa halip na isang espesipikong personal na pangalan. Ginamit ng sinaunang mga manunulat, kabilang na sina Strabo, Pliny na Nakatatanda, at Eusebius, ang katawagang ito bilang pagtukoy sa mga reyna ng Etiopia. Isinulat ni Pliny na Nakatatanda (mga 23-79 C.E.) na “ang bayan [ng Meroë, kabisera ng sinaunang Etiopia] ay may iilang gusali. Sinabi nilang pinamamahalaan ito ng isang babae, si Candace, isang pangalan na itinawag sa magkakasunod na reyna sa loob ng maraming taon.”—Natural History, VI, XXXV, 186.