CAUDA
Isang pulo na malapit sa TK baybayin ng Creta na dinaanan ng apostol na si Pablo at ni Lucas sa paglalakbay nila patungong Roma noong mga 58 C.E. Pagkataas ng angkla sa Magagandang Daungan, binaybay ng kanilang barko ang timugang baybayin ng Creta. Subalit malamang na pagkatapos nilang ligirin ang Cape Matala, naabutan at hinampas sila ng isang maunos na hanging maaaring magpadpad sa barko tungo sa mga kumunoy malapit sa mga baybayin ng Hilagang Aprika. Gayunman, sila’y nakarating at nanganlong sa “isang maliit na pulo na tinatawag na Cauda” at maliwanag na dahil sa posisyon nito, nabasag ng pulo ang puwersa ng hangin, anupat naging mas banayad ang tubig, malamang ay sa kahabaan ng TK baybayin nito. Nagbigay ito sa mga tripulante ng sapat na panahon para maisampa ang maliit na bangka, matalian ang barko sa ilalim, at maibaba ang kasangkapang panlayag.—Gaw 27:13-17.
Ang Cauda sa salaysay ni Lucas ay tinatawag sa ngayon na Gavdos, isang pulo na 11 km (7 mi) ang haba at 5 km (3 mi) ang lapad, na mga 65 km (40 mi) sa KTK ng Magagandang Daungan.