CLEOPAS
[posibleng pinaikling Cleopatros, nangangahulugang “Tanyag na Ama”].
Isa sa dalawang alagad, kapuwa hindi apostol, na naglakbay patungong Emaus noong araw na buhaying-muli si Jesus. Nang si Jesus ay sumabay sa kanila bilang isang estranghero at magtanong kung ano ang pinagtatalunan nila, si Cleopas ay tumugon: “Nananahanan ka bang mag-isa bilang dayuhan sa Jerusalem kung kaya hindi mo alam ang mga bagay na naganap sa kaniya nang mga araw na ito?” Pagkatapos na ipaliwanag ni Jesus sa kanila ang maraming kasulatan at ipakilala ang kaniyang sarili, si Cleopas at ang kaniyang kasama, sa halip na magpalipas ng magdamag sa Emaus, ay nagmadaling bumalik sa Jerusalem at iniulat ang mga bagay na ito sa iba. (Luc 24:13-35) Ang pangalang Griegong ito na Cleopas ay hindi dapat ipagkamali sa Aramaikong pangalan na Clopas.—Ju 19:25.