Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ekron”
  • Ekron

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ekron
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Sikeron
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Beelzebub
    Glosari
  • Goliath—Isang Higante na May Kultura?
    Gumising!—1989
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ekron”

EKRON

Isang prominenteng lunsod ng mga Filisteo, lumilitaw na ang sentro sa dulong hilaga ng isa sa kanilang limang panginoon ng alyansa. (Jos 13:3) Hindi matiyak ang eksaktong lokasyon nito, ngunit ipinapalagay na ito ay ang Khirbet el-Muqannaʽ (Tel Miqne), mga 18 km (11 mi) sa S ng Asdod. Nahukay roon kamakailan ang pinakamalaking lunsod noong yugtong iyon anupat iniisip ng karamihan na ito ang lugar ng Ekron.

Sa buong kasaysayan ng Ekron, papalit-palit ang namumuno rito. Hindi ito kasama sa mga nasakop ni Josue. Nang dakong huli na lamang ito nabihag ng mga Judeano. (Jos 13:2, 3; Huk 1:18) Noong unang hati-hatiin ang Lupang Pangako, ang Ekron ay nasa hanggahan sa pagitan ng Juda at Dan ngunit nasa teritoryo ng tribo ni Juda. (Jos 15:1, 11, 45, 46; 19:40-43) Noong panahong mabihag ng mga Filisteo ang kaban ng tipan, ang Ekron ay nabalik na sa kanila. Ang presensiya ng Kaban ay naging sanhi ng “isang nakamamatay na kalituhan” sa lunsod na ito, at mula sa Ekron ay ibinalik ang Kaban sa mga Judio. (1Sa 5:10-12; 6:16, 17) Pagkatapos ng isa pang yugto sa ilalim ng kontrol ng Israel, lumilitaw na nabalik na naman sa mga Filisteo ang Ekron noong panahong patayin ni David si Goliat. (1Sa 7:14; 17:52) Noong unang bahagi ng ikasampung siglo B.C.E., ipinaghambog ni Paraon Sisak ng Ehipto na nabihag niya ang Ekron. Pagkaraan ng mga dalawang siglo, binanggit sa mga ulat ng kasaysayan ni Senakerib na si Haring Padi ng Ekron ay matapat sa mga Asiryano.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share