ELZABAD
[Ang Diyos ay Nagkaloob].
1. Isa sa matutulin at matatapang na makapangyarihang mga lalaki mula sa tribo ni Gad na sumama kay David sa ilang habang hindi pa ito makakilos dahil kay Haring Saul. Ang pinakamababa sa mga Gaditang ito ay inilalarawang katumbas ng isang daan at ang pinakadakila ay ng isang libo.—1Cr 12:1, 8, 12, 14.
2. Isang Levita na mula sa pamilya ng mga Korahita; isang anak ni Semaias at isang apo ni Obed-edom. Si Elzabad ay isang lalaking may kakayahan na naglingkod sa pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan noong mga araw ni Haring David.—1Cr 26:1, 4, 6-8, 12, 15, 19.