Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “En-ganim”
  • En-ganim

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • En-ganim
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Anem
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • En-hada
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bet-semes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Almon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “En-ganim”

EN-GANIM

[Bukal ng mga Hardin].

1. Isang Judeanong lunsod sa Sepela, o mababang lupain, na binanggit kasama ng Adulam sa Josue 15:33-35. Posibleng ang lokasyon nito ay ang makabagong Beit Jimal na mga 2.5 km (1.5 mi) sa T ng Bet-semes, o isang kalapit na lokasyon. Iminumungkahi naman ng ilan ang Umm Jina, na mga 1 km (0.5 mi) sa K ng Bet-semes, bilang lokasyon nito, ngunit malamang na hindi iyon sapagkat walang bukal doon.

2. Isang lunsod na nasa lupaing mana ng tribo ni Isacar. (Jos 19:17, 21) Maaaring ito ang lunsod na tinawag ni Josephus na Ginae. Sa ngayon, iniuugnay ito sa Jenin, isang bayan sa T na gilid ng Libis ng Jezreel, na mga 18 km (11 mi) sa TS ng Megido at 8 km (5 mi) sa HS ng Dotan, sa pangunahing lansangan mula sa Jerusalem patungong Nazaret. Ang Jenin ay napalilibutan ng mga taniman at mga hardin at may isang bukal, mga katangiang katugma ng kahulugan ng pangalang En-ganim.

Ang En-ganim, kasama ang pastulan nito, ay ibinigay sa mga anak ni Gerson bilang isang lunsod ng mga Levita. (Jos 21:27-29) Maliwanag na tinatawag itong Anem sa 1 Cronica 6:73.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share