EN-SEMES
[Bukal ng Araw].
Isang lugar sa hangganan ng mga manang teritoryo ng Benjamin at Juda. (Jos 15:1, 7; 18:11, 17) Karaniwan itong iniuugnay sa ʽAin el-Hod, na mga 3 km (2 mi) sa S ng Temple Mount sa Jerusalem at ang huling bukal na matatagpuan sa lansangang bumabagtas mula sa Jerusalem patungong Jerico bago makarating sa Libis ng Jordan.