Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Epilepsi”
  • Epilepsi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Epilepsi
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Epilepsi
    Gumising!—2013
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Buwan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Epilepsi”

EPILEPSI

Isang namamalaging sakit sa sentral na sistema ng nerbiyo na kakikitaan ng mga pangingisay o ng pagkapinsala o pagkawala ng ulirat, o pareho. Iniuugnay ang karamdamang ito sa di-normal na aktibidad ng utak. Ang pagsumpong ng epilepsi na may kalakip na matinding pangingisay at pagkawala ng ulirat ay tinatawag na grand mal, samantalang ang mas banayad na pagsumpong, kung saan sandali lamang ang mga atake, ay tinatawag na petit mal, anupat ang mga ito ang dalawang pangunahing uri ng epilepsi. Epileptiko ang tawag sa isang tao na may sakit na epilepsi.

Noong araw na kasunod ng pagbabagong-anyo, pinagaling ni Jesu-Kristo ang isang epileptiko na hindi napagaling ng mga alagad niya. (Mat 17:14-20) Mula pa sa kaniyang pagkabata, sinasaniban na ng isang “espiritung pipi at bingi” ang batang lalaking ito; bukod sa iba pang mga pananakit sa kaniya, paulit-ulit siyang pinangingisay nito, na may kaakibat na pagbula ng kaniyang bibig. Sinaway ni Jesus ang demonyo, lumabas ito, at sa gayon ay gumaling ang bata.​—Mar 9:14-29; Luc 9:37-43.

Bagaman sa partikular na kasong ito ay may kinalaman ang aktibidad ng mga demonyo sa mga sintomas ng epilepsi, karaniwan nang may likas na mga sanhi ang epilepsi, at hindi ipinahihiwatig ng Kasulatan na sa pangkalahatan ay dulot ito ng pag-ali ng demonyo. Sa halip, iniuulat ni Mateo (4:24) na dinala ng mga tao kay Jesus ang mga maysakit kabilang na ang mga taong “inaalihan ng demonyo at epileptiko,” anupat ipinakikita niya na magkaiba ang dalawang uring ito ng mga indibiduwal na pinagaling ni Kristo.

Ang terminong Tagalog na “epilepsi” ay hinalaw sa salitang Ingles na epilepsy na hinalaw naman mula sa salitang Griego na e·pi·le·psiʹa, literal na nangangahulugang “pangingisay.” Gayunman, hindi ginagamit sa Bibliya ang e·pi·le·psiʹa. Sa halip, para sa karamdamang ito, gumamit si Mateo (4:24; 17:15) ng mga anyo ng salitang Griego na se·le·ni·aʹzo·mai, literal na nangangahulugang “be moonstruck” (maapektuhan ng buwan). Bagaman “lunatick” ang ginagamit ng King James Version sa Mateo 4:24 at 17:15, “(mga) epileptiko” naman ang lumilitaw sa ilang makabagong salin.​—AS; NW; RS.

Kapansin-pansin na sinasabi ng The International Standard Bible Encyclopaedia: “Ang orihinal na kahulugan ng terminong seleniazomai, ‘moon-struck,’ ay iniuugnay sa popular na paniniwala, na laganap at namamalagi, na ang buwan, sa partikular na mga pagbabagong-hugis nito, ay nakapipinsala sa mga tao, lalo na sa kaso ng mga sakit na pabalik-balik o pasumpung-sumpong. Walang datos na magagamit upang matiyak kung ang partikular na salitang ito, noong panahon ng B[agong] T[ipan], ay nagpapahiwatig na aktibo itong pinaniniwalaan noon o kung ginamit na lamang ito sa paraang wala na ang orihinal na metapora, at na ipinahihiwatig na lamang ng salitang ito ang bagay na ipinangangahulugan at hindi tinutukoy ang ideya na nakapaloob sa etimolohiya nito. Ginagamit pa rin natin ang salitang ‘lunatic’ upang tumukoy sa isang taong may-sakit sa isip, bagaman matagal na tayong hindi naniniwala sa impluwensiya ng buwan sa gayong mga kaso.”​—Inedit ni J. Orr, 1960, Tomo III, p. 1941.

Ang paggamit ni Mateo sa mga anyo ng se·le·ni·aʹzo·mai ay hindi nangangahulugang naniniwala siya sa anumang mapamahiing pangmalas na may kaugnayan ang gayong sakit sa partikular na mga pagbabagong-hugis ng buwan. Maliwanag na ginamit lamang niya ang terminong Griego na karaniwang ginagamit noon upang tumukoy sa isang epileptiko. Karagdagan pa, ang mga sintomas ng batang lalaki na inilarawan nina Mateo, Marcos, at Lucas ay talagang mga sintomas na kaugnay ng epilepsi.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share