ESEK
[Pakikipag-away].
Isang balon ng sariwang tubig na hinukay ng mga lingkod ni Isaac sa agusang libis ng Gerar. (Gen 26:20) Gayunman, ang balon ay inangkin ng mga Filisteong pastol ng lugar na iyon, at ang ibinunga nitong ‘pagtatalo’ ng dalawang panig ang pinagmulan ng pangalan ng lugar na iyon. (Gen 26:12-20) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito.