GERAR, AGUSANG LIBIS NG
Sa nakalipas na mga taon, iminumungkahi na ang agusang libis ng Gerar ay ang Wadi esh-Shariʽah (Nahal Gerar), na umaagos nang mga 0.5 km (0.3 mi) sa T ng Tell Abu Hureirah (Tel Haror), ang malamang na lokasyon ng sinaunang Gerar. Angkop na angkop para sa pagpapastol ang kalakhang lugar ng agusang libis ng Gerar. Maliwanag na sa paghuhukay lamang sa lunas ng agusan ay makasusumpong na rito ng tubig. (Gen 26:17-19) Ang patriyarkang si Abraham ay pansamantalang nanirahan bilang dayuhan sa rehiyong ito. (Gen 20:1, 2) Nang maglaon, si Isaac ay bumalik sa lugar na ito noong panahon ng taggutom. Dito ay nagsaka at nag-alaga siya ng mga kawan at mga bakahan. (Gen 26:1, 6, 12-14) Sa mismong agusang libis ay humukay ng dalawang balon ang mga lingkod ni Isaac, ngunit pumukaw ang mga ito ng pakikipagtalo sa mapag-imbot na mga pastol ng Gerar.—Gen 26:17-22.