ET-KAZIN
Isang lugar na nagsilbing palatandaan ng hangganan ng Zebulon. (Jos 19:10, 13) Bagaman sa ngayon ay hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito, ipinapalagay ng ilan na ito ang makabagong Kafr Kanna na mga 20 km (12 mi) sa K ng Dagat ng Galilea.