EZEM Isang lugar sa Juda na ibinigay sa tribo ni Simeon bilang isang nakapaloob na lunsod. (Jos 15:21, 29; 19:1, 3; 1Cr 4:24, 28, 29) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ito ang Umm el-ʽAzem, na mga 25 km (16 na mi) sa TTS ng Beer-sheba.