HAZAR-SUAL
[Looban (Pamayanan) ng Sorra].
Isang nakapaloob na lunsod ng Simeon sa T ng Juda. (Jos 15:21, 28; 19:1-3; 1Cr 4:28) Muli itong tinirahan pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:25-27) Hindi tiyak kung saan ang lokasyon nito. Iminumungkahi ng ilang iskolar na ito ay ang Khirbet el-Watan, na mga 3 km (2 mi) sa STS ng Beer-sheba.