PALAKA
[sa Heb., tsephar·deʹaʽ; sa Gr., baʹtra·khos].
Isang ampibyan na walang buntot, makinis ang balat at may mahahabang binti sa hulihan na maskulado at angkop na angkop na panlukso. Sa Hebreong Kasulatan, ang tanging pagbanggit sa mga palaka ay may kaugnayan sa ikalawang dagok na pinasapit ni Jehova sa Ehipto. (Exo 8:1-14; Aw 78:45; 105:30) Tulad ng ibang mga salot, ito’y isang kahatulan sa mga bathalang sinasamba sa lupaing iyon. (Exo 12:12) Ang palaka ay sagrado kay Heqt, isang Ehipsiyong diyosa na inilalarawang may ulo ng palaka.
Sa Apocalipsis 16:13, ang “maruruming kinasihang kapahayagan” ay inihahalintulad sa mga palaka. Angkop ito yamang ayon sa Kautusang Mosaiko, ang mga palaka ay marumi anupat hindi dapat kainin.—Lev 11:12.