Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Gedalias”
  • Gedalias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gedalias
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ismael
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Johanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jaazanias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Epai
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Gedalias”

GEDALIAS

[Si Jehova ay Dakila].

1. Isang Levitang mang-aawit na, noong panahon ni David, itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan upang mangasiwa sa ikalawa sa 24 na pangkat na naglilingkod na may tig-12 manunugtog bawat isa.​—1Cr 25:3, 9, 31.

2. Lolo ng propetang si Zefanias at posibleng isang inapo ni Haring Hezekias.​—Zef 1:1.

3. Anak ni Pasur; isa sa mga prinsipe sa Jerusalem na nag-akusa kay Jeremias sa harap ni Haring Zedekias ng pagpapahina sa mga lalaking mandirigma at sa buong bayan at humimok na patayin si Jeremias dahil dito. Matapos bigyang-kalayaan ng hari, inihagis ng mga prinsipeng ito si Jeremias sa isang malusak na imbakang-tubig.​—Jer 38:1-6.

4. Ang “anak ni Ahikam na anak ni Sapan.” Pagkatapos ng pagkawasak ng Jerusalem noong 607 B.C.E., inatasan ni Haring Nabucodonosor si Gedalias bilang gobernador sa mga Judio na naiwan sa lupain ng Juda. Nanirahan si Gedalias sa Mizpa, at doon nanahanan ang propetang si Jeremias. Pagkatapos, ang mga Judeanong pinuno ng militar na hindi nabihag, nang marinig na inatasan si Gedalias bilang gobernador, ay pumaroon sa kaniya sa Mizpa kasama ang kanilang mga tauhan. Tiniyak sa kanila ni Gedalias, sa ilalim ng panunumpa, na mapapabuti sila hangga’t pinaglilingkuran nila ang hari ng Babilonya, at pinasigla niya silang magtipon ng alak, langis, at mga bungang pantag-araw. Maging ang mga Judio na nangalat sa Moab, Ammon, Edom, at sa iba pang dako ay patuloy na pumaparoon kay Gedalias.

Ang lahat ng ito ay maliwanag na hindi kaayon ng kagustuhan ni Baalis na hari ng Ammon, na nagpakanang paslangin si Gobernador Gedalias sa tulong ni Ismael. Nang malaman ito, sinabi ni Johanan at ng iba pang mga pinuno ng hukbong militar sa gobernador ang tungkol dito, ngunit hindi siya naniwala sa kanila. Nilapitan pa nga ni Johanan si Gedalias nang sarilinan at nag-alok na papatayin niya si Ismael upang mabigo ang pakana. Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Gedalias, anupat inisip na kabulaanan ang sinasalita tungkol kay Ismael. Kaya nang dumating si Ismael sa Mizpa, kasama ang sampung iba pang lalaki, hindi nag-ingat si Gedalias. Kumain siyang kasama nila; at habang kumakain sila, tumindig si Ismael at ang mga lalaking kasama nito at pinatay si Gedalias gayundin ang lahat ng mga Judio at mga Caldeo na kasama ni Gedalias.​—2Ha 25:22-25; Jer 39:14; 40:5–41:3.

5. Isa sa mga saserdote noong panahon ni Ezra na kabilang sa mga kumuha ng mga asawang banyaga at nangakong paalisin ang mga ito.​—Ezr 10:18, 19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share