GITAIM
[Dalawang Pisaan ng Ubas].
Tumakas patungo sa lugar na ito (sa di-binanggit na kadahilanan) ang mga Beerotita. (2Sa 4:1-3) Nanirahan ang mga Benjamita sa Gitaim pagkatapos ng pagkatapon. (Ne 11:31, 33) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. May mga nagmumungkahi na ito ay ang lugar na tinatawag na Gamteti sa Amarna Tablets, malamang ay nasa kapaligiran ng makabagong Ramleh.—Tingnan ang BEEROT.