HAGRITA
[posible, Ni (Kay) Hagar].
Lumilitaw na isang bayang nagpapastol at tumatahan sa mga tolda sa S ng Gilead. Noong mga araw ni Haring Saul, tinalo ng mga Israelitang naninirahan sa S ng Jordan ang mga Hagrita, anupat kumuha sila ng 100,000 bihag, gayundin ng libu-libong kamelyo, asno, at tupa. (1Cr 5:10, 18-22) Itinala ng salmista ang mga Hagrita kasama ng iba pang mga kaaway ng Israel, gaya ng mga Edomita, mga Moabita, mga Ammonita, at mga Amalekita. (Aw 83:2-7) Gayunman, noong panahon ng pamamahala ni David, si Jaziz na Hagrita ang nangangasiwa sa mga kawan ng hari.—1Cr 27:31.
Maraming iskolar ang naniniwala na malamang na ang mga Hagrita rin ang A·graiʹoi na binanggit ng sinaunang mga heograpo na sina Strabo, Ptolemy, at Pliny. Hindi tiyakang maitatag kung sila ay mga inapo ni Hagar.