HANANI
[posibleng pinaikling anyo ng Hananias].
1. Isa sa 14 na anak ni Heman. Si Hanani ay itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan upang manguna sa ika-18 pangkat ng mga manunugtog sa santuwaryo noong panahon ni Haring David.—1Cr 25:4-6, 9, 25.
2. Ang tagakita, o tagapangitain, na sumaway kay Haring Asa ng Juda dahil sa pakikipag-alyansa nito sa hari ng Sirya sa halip na manalig kay Jehova, pagkatapos ay inilagay siya sa bahay ng mga pangawan sa dahilang ikinagalit ng hari ang kaniyang sinabi. (2Cr 16:1-3, 7-10) Lumilitaw na si Hanani ang ama ni Jehu, ang propeta na sumaway kina Baasa na hari ng Israel at Jehosapat na hari ng Juda.—1Ha 16:1-4, 7; 2Cr 19:2, 3; 20:34.
3. Isang saserdote na mula sa “mga anak ni Imer” na kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga bilang pagsunod sa payo ni Ezra.—Ezr 2:36, 37; 10:10, 11, 20, 44.
4. Ang kapatid ni Nehemias. Noong panahong dumating si Nehemias sa Susan, ipinagbigay-alam sa kaniya ni Hanani, kasama ang iba pang mga lalaki ng Juda, ang kalagayan ng pader ng Jerusalem. (Ne 1:2, 3) Pagkatapos na muling maitayo ang pader, inatasan ni Nehemias ang kaniyang kapatid na si Hanani at gayundin si Hananias upang mamahala sa Jerusalem.—Ne 7:1, 2.
5. Isang Levitang saserdote at manunugtog na nakibahagi sa prusisyong isinaayos ni Nehemias sa pagpapasinaya ng pader ng Jerusalem.—Ne 12:31-36.