HAZAR-SUSA
[Looban (Pamayanan) ng Kabayong Babae].
Isang nakapaloob na Simeonitang lunsod sa timugang bahagi ng Juda. (Jos 19:1, 2, 5) Tinatawag din itong Hazar-susim. (1Cr 4:31) Sa isang katulad na talaan ng mga lunsod na orihinal na iniatas sa Juda, “Sansana” ang nakalagay sa halip na Hazar-susa. (Jos 15:21, 31) Ipinapalagay ng ilan na ang mga ito’y magkahiwalay na mga lokasyon. Sinasabi nila na ang Sansana ay nasa HHS ng Beer-sheba at ang Hazar-susa naman ay nasa Sbalat Abu Susein, malapit sa Kapatagan ng Filistia, mga 26 na km (16 na mi) sa dakong K ng Beer-sheba. Gayunman, itinuturing ng maraming iskolar na ang Hazar-susa ay malamang na pangalawahing pangalan ng Sansana, at ang pangalawahing pangalang ito, batay sa kahulugan nito, ay naglalarawan sa isang natatanging layunin ng lugar na iyon. Kung ang Hazar-susa at Sansana ay iisa, maipapalagay na ang Hazar-susa ay ang Khirbet esh-Shamsaniyat sa dakong HHS ng Beer-sheba, di-kalayuan sa iminumungkahing lugar ng Madmana (malamang ay ang Bet-marcabot), na naunang itinala (sa Hazar-susa, Hazar-susim, o Sansana) sa nabanggit na mga teksto.—Tingnan ang BET-MARCABOT.