HAZEROT
[Mga Looban; Mga Pamayanan].
Ang huling lugar na pinagkampuhan ng Israel bago sila pumasok sa ilang ng Paran. (Bil 11:35; 12:16; 33:17, 18; Deu 1:1) Sa Hazerot nagkaketong si Miriam matapos nilang kuwestiyunin ni Aaron ang awtoridad ni Moises at ang pagkuha nito ng isang asawang Cusita. (Bil 11:35; 12:1-16) Iniuugnay ng karamihan ng mga iskolar ang Hazerot ng Bibliya sa oasis ng ʽAin Khadra, mga 60 km (37 mi) sa HS ng kinikilalang lugar ng Bundok Sinai.