Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kibrot-hataava”
  • Kibrot-hataava

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kibrot-hataava
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagpapagala-gala ng Israel sa Ilang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pugo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hazerot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Homer
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kibrot-hataava”

KIBROT-HATAAVA

[Mga Dakong Libingan ng Paghahangad].

Isang lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita sa ilang. Dito nagpakita ng sakim na pananabik sa pagkain ng Ehipto ang haluang pulutong. (Bil 11:4; 33:16, 17; Deu 9:22) Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Rueis el-Eberij, na nasa kalagitnaan ng Jebel Musa, ang kinikilalang lugar ng Bundok Sinai, at ng Hazerot. Doon ay makahimalang naglaan si Jehova ng isang buwang suplay ng pugo para sa buong kampo. (Bil 11:19, 20, 31) Ngunit napakasakim ng bayan anupat “ang nanguha ng pinakakaunti ay nakapagtipon ng sampung homer” (2,200 L; 62 bushel). Sinasabi ng ulat na habang “ang karne ay nasa pagitan pa ng kanilang mga ngipin, bago pa iyon manguya, . . . sinaktan ni Jehova ang bayan sa isang lubhang lansakang pagpatay.” Sa halip na tumutukoy sa literal na pagnguya, ang mga pananalitang ito ay maaaring nangangahulugang bago “mawala” o “maubos” (AT, RS) ang lahat ng inilaang karne, sapagkat dito ang salitang Hebreo na isinalin bilang “manguya” ay may saligang kahulugan na “nahiwalay.” (Ihambing ang Joe 1:5.) Pagkatapos nito, ang mga namatay ay inilibing, at sa gayon ang lugar ay tinawag na Kibrot-hataava.​—Bil 11:32-35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share