HET
Ang ikalawang nakatalang anak ni Canaan at apo sa tuhod ni Noe sa pamamagitan ni Ham. (Gen 10:1, 6, 15; 1Cr 1:13) Si Het ay ama ng mga ninuno ng mga Hiteo (1Ha 10:29; 2Ha 7:6; tingnan ang HITEO, MGA), na ang isang sanga ay namayan sa maburol na lupain ng Juda. (Exo 3:8) Sa kapaligiran ng Hebron binili ni Abraham kay Epron na Hiteo ang parang ng Macpela at ang yungib na naroroon, bilang isang dakong libingan. (Gen 23:2-20; 25:8-10; 49:32) Sa 14 na paglitaw nito, ang pangalang Het ay lumilitaw nang 10 ulit may kaugnayan sa “mga anak ni Het.” Ang dalawa sa mga asawa ni Esau ay mula sa “mga anak ni Het” (tinawag ding “mga anak na babae ng Canaan”), anupat ang mga asawang ito ay naging sanhi ng pamimighati ng kaniyang mga magulang.—Gen 26:34, 35; 27:46; 28:1, 6-8.