HOTIR
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “labis-labis pa; pag-apaw”].
Isa sa 14 na anak ni Heman na naglingkod sa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang ama bilang mga manunugtog sa santuwaryo. Noong panahon ni David, si Hotir at ang kaniyang mga anak at mga kapatid ang bumuo sa ika-21 sa 24 na pangkat na naglilingkod na mga manunugtog.—1Cr 25:1, 4-6, 28.