JAPIA
[1, 2: Suminag Nawa [ang Diyos]; [Ang Diyos ay] Suminag]
1. Ang hari ng Lakis na sumama sa apat na iba pang Amoritang hari upang parusahan ang Gibeon dahil sa pakikipagpayapaan nito sa Israel. (Jos 10:3-5) Dahil sa paghingi ng tulong ng Gibeon ay dumating ang mga hukbo ni Josue sa isang misyon ng pagsaklolo mula sa Gilgal. Sa sumunod na pagbabaka, kinulong ng mga Israelita si Japia at ang kaniyang kaalyadong mga hari sa isang yungib sa Makeda. Nang maglaon, siya at ang iba pa ay pinatay at ang mga bangkay nila ay ibinitin sa mga tulos hanggang sa paglubog ng araw, pagkatapos nito ay itinapon sila sa yungib na pinanganlungan nila.—Jos 10:6-27.
2. Isang anak ni David na ipinanganak sa Jerusalem.—2Sa 5:14, 15; 1Cr 3:7; 14:6.
3. Isang hangganang dako ng Zebulon. (Jos 19:10, 12) Iniuugnay ito sa makabagong Yafa (Yafia), wala pang 3 km (2 mi) sa TK ng Nazaret.