JEHUCAL
[Magagawa ni Jehova; Nananaig si Jehova], Jucal [pinaikling anyo ng Jehucal].
Isang prinsipe na isinugo ni Haring Zedekias upang hilingan si Jeremias na manalangin para sa Juda. (Jer 37:3) Ang anak na ito ni Selemias at tatlong iba pang maimpluwensiyang prinsipe ang nag-utos na ihulog si Jeremias sa malusak na imbakang-tubig dahil ang pangangaral niya ay, gaya ng sabi nila, ‘nagpapahina sa mga kamay ng mga lalaking mandirigma,’ gayundin sa mga kamay ng bayan sa pangkalahatan.—Jer 38:1-6.