SELEMIAS
[Si Jehova ay Kagantihan; o, Haing Pansalu-salo ni Jehova].
1. Isang Levitikong bantay ng pintuang-daan na inatasan sa pamamagitan ng palabunutan sa dakong S ng santuwaryo noong panahon ng paghahari ni David.—1Cr 26:14; tingnan ang MESELEMIAS.
2. Lolo ng opisyal ni Jehoiakim na si Jehudi; anak ni Cusi.—Jer 36:14.
3. Ama ng mensahero ni Zedekias na si Jehucal (Jucal).—Jer 37:3; 38:1.
4. Ama ni Irias, ang opisyal na nangangasiwa sa Pintuang-daan ng Benjamin sa Jerusalem; anak ni Hananias.—Jer 37:13.
5. Isa sa mga mensahero ni Haring Jehoiakim na isinugo upang dalhin si Jeremias at si Baruc sa harap nito; anak ni Abdeel.—Jer 36:26.
6, 7. Dalawang lalaking nakatalang kabilang sa mga anak o mga inapo ni Binui na, sa pagbabalik ni Ezra sa Jerusalem noong 468 B.C.E., nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 10:38, 39, 41, 44.
8. Ama ng Hananias na tumulong na magkumpuni ng pader ng Jerusalem.—Ne 3:30.
9. Isang saserdote, at isa sa mga pinagkatiwalaan ni Nehemias, noong ikalawang pagdalaw niya sa Jerusalem, ng mga imbakan at ng pamamahagi ng mga ikapu sa mga nararapat tumanggap nito.—Ne 13:6, 7, 12, 13.