JERUBESET
[Hayaang Gumawa ng Legal na Pagtatanggol (Makipaglaban) ang Kahiya-hiyang Bagay].
Ang pangalan ni Hukom Gideon sa 2 Samuel 11:21. Maliwanag na ito ay isang anyo ng Jerubaal, ang pangalang ibinigay kay Gideon ng kaniyang amang si Joas nang gibain ni Gideon ang altar ni Baal. (Huk 6:30-32) Naniniwala ang ilang iskolar na pinalitan ng manunulat ng Ikalawang Samuel ang baʹʽal ng salitang Hebreo para sa “kahihiyan” (boʹsheth) upang maiwasang gamitin ang pangalan ng huwad na diyos na si Baal bilang bahagi ng isang pangalang pantangi.—Tingnan ang GIDEON.