JESIMON
[Disyerto].
1. Isang ilang na lugar na walang pananim. Waring ito ay nasa HS dulo ng Dagat na Patay, kung saan matatagpuan marahil ang Bet-jesimot. Lumilitaw na matatanaw ang Jesimon mula sa Pisga at Peor.—Bil 21:20; 23:28; Jos 12:1-3.
2. Isang rehiyon na malapit sa Zip, na nasa H ng Ilang ng Maon. Lumilitaw na saklaw ng Jesimon ang ibang bahagi ng Ilang ng Juda at ilang milya lamang ang layo nito sa TS ng Hebron. Sa lugar na ito ng kalbo at mayesong mga burol ay nagtago si David at ang kaniyang mga tauhan mula kay Haring Saul.—1Sa 23:19, 24; 26:1, 3; tingnan ang JUDA, ILANG NG.