JUSTO
[mula sa Lat., nangangahulugang “Makatarungan; Matapat; Matuwid”].
1. Ang huling pangalan ni Jose Barsabas. Sina Justo at Matias ang dalawang kandidatong iminungkahi na posibleng kapalit ni Hudas Iscariote bilang isang apostol. Ang palabunot ay nahulog kay Matias. Bagaman hindi napili si Justo, ang pagsasaalang-alang sa kaniya para sa katungkulan ay nagpapakitang isa siyang may-gulang na alagad ni Jesu-Kristo.—Gaw 1:23-26.
2. Isang mananampalatayang taga-Corinto na ang tahanan ay katabi ng sinagoga. Dahil sa pagsalansang ng mga Judio, “lumipat” si Pablo sa bahay ni Titio Justo, samakatuwid nga, ipinagpatuloy niya roon ang kaniyang pangangaral; nanatili siyang naninirahan kasama nina Aquila at Priscila.—Gaw 18:1-7.
3. Isang Judiong kamanggagawa ng apostol na si Pablo. Si Justo, na tinawag ding Jesus, ay isa sa mga nagpalakas kay Pablo nang una itong mabilanggo sa Roma at nagpadala ng kaniyang mga pagbati sa mga taga-Colosas.—Col 4:10, 11.