KANA
[Tambo; Kania].
1. Isang agusang libis na nagsilbing hangganan ng Efraim at Manases. (Jos 16:8; 17:9) Karaniwan itong iniuugnay ngayon sa Wadi Qanah (Nahal Qana). Ang maliit na batis na ito ay nagsisimula sa maburol na lupain na ilang kilometro lamang sa TK ng Nablus. Bilang Wadi Ishkar, umaagos ito nang patimog-kanluran at sumasanib sa Wadi Yarkon (Nahal Yarqon), na bumubuhos naman sa Dagat Mediteraneo sa H ng Tel Aviv-Yafo. Gayunman, naniniwala ang ilang iskolar na noong mga araw ni Josue, ang ibabang bahagi ng Wadi Qanah ay maaaring direktang umaagos sa Mediteraneo sa isang lugar na mga 10 km (6 na mi) sa mas gawing H pa.
2. Isang lunsod ng Aser sa hangganan nito. (Jos 19:24, 28) Karaniwang ipinapalagay na ito ang makabagong Qana, na mga 12 km (7.5 mi) sa STS ng Tiro.