LEB-KAMAI
[Puso Niyaong mga Bumabangon Laban sa Akin].
Lumilitaw na ito ay isang pangalang cryptographic (mahiwaga ang pagkakasulat) para sa Caldea, o Kas·dimʹ. Lumilitaw lamang ito sa Jeremias 51:1, sa isang pangungusap may kinalaman sa gagawin ni Jehova sa Babilonya at sa mga tumatahan sa Caldea. Ang termino ay ginamit doon kaayon ng isang sistema na tinatawag na athbash, kung saan ang huling titik ng alpabetong Hebreo (taw) ay kumakatawan sa unang titik nito (alep), ang ikalawa sa huling titik (shin) ay kumakatawan sa ikalawang titik (bet), at patuloy. Kaya sa Jeremias 51:1 ang tunay na pangalan (Kas·dimʹ) ay ikinukubli sa pamamagitan ng pagbuo ng salitang Hebreo na Lev qa·maiʹ (Leb-kamai). Para sa “Leb-kamai,” ang nasa Griegong Septuagint ay “mga Caldeo” at ang mga Targum ay kababasahan naman ng “lupain ng mga Caldeo.”