SESAC
Malamang na isang makasagisag na pangalan para sa Babilonya. (Jer 25:26; 51:41) Ang isang iminumungkahi ay na ang Sesac ay nangangahulugang “May Pintuang-daang Tanso,” at aangkop ito sa Babilonya. Ang isa pang pangmalas ay na ang “Sesac” ay kumakatawan sa SiskuKI na mula sa isang sinaunang maharlikang talaan ng Babilonya. Ang Sisku o Siska ay maaaring isang distrito ng sinaunang Babilonya. Gayunman, ayon sa tradisyong Judio ang Sesac ay isang cipher (lihim na kodigo) para sa pangalang Hebreo na Babel (o, Babilonya), sa pamamagitan ng pamamaraan na tinatawag na athbash. Ayon sa sistemang cryptographic (mahiwaga ang pagkakasulat) na ito, ang tunay na pangalan ay ikinukubli sa pamamagitan ng paghahalili ng unang titik ng alpabetong Hebreo (alep) para sa huling titik (taw), at ng ikalawang titik (bet) para sa ikalawa sa huling titik (shin), at patuloy. Dahil dito, sa “Babel” bawat bet (b) ay papalitan ng shin (s), at ang lamed (l) ay papalitan ng kap (k), sa gayon ay magiging Se·sakʹ. Ang pangalang Sesac ay maaari ring nagpapahiwatig ng kahihiyan, na nauukol sa Babilonya.—Jer 25:26, tlb sa Rbi8; Soncino Books of the Bible, inedit ni A. Cohen, London, 1949.