Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Araw ng Panginoon”
  • Araw ng Panginoon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Araw ng Panginoon
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • “Si Jesu-Kristo ay Panginoon”—Papaano at Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • “Ang Araw ng Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Panginoon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ano ang Magiging Kahulugan Para sa Iyo ng Araw ng Panginoon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Araw ng Panginoon”

ARAW NG PANGINOON

Isang itinakdang yugto ng panahon kung kailan matagumpay na isasakatuparan ng Panginoong Jesu-Kristo ang partikular na mga bagay may kaugnayan sa layunin ng Diyos.

Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, ang salitang “araw” ay maaaring tumukoy sa isang yugto ng panahon na mas mahaba kaysa sa 24 na oras. (Gen 2:4; Ju 8:56; 2Pe 3:8) Ipinakikita ng konteksto ng Apocalipsis 1:10 na ang “araw ng Panginoon” na ito ay hindi isang ordinaryong araw na may 24 na oras. Yamang si Juan ay dumating “sa araw ng Panginoon” “sa pamamagitan ng pagkasi,” hindi iyon maaaring tumukoy sa isang ordinaryong araw ng sanlinggo. Hindi kailangang kasihan si Juan para makarating siya sa isang espesipikong araw ng sanlinggo. Kaya tiyak na “ang araw ng Panginoon” ay tumutukoy sa isang panahon sa hinaharap kung kailan magaganap ang mga pangyayaring nakita ni Juan sa pangitain. Kasama sa mga pangyayaring iyon ang digmaan sa langit at ang pagpapalayas kay Satanas, ang pagkapuksa ng Babilonyang Dakila at ng mga hari sa lupa at ng kanilang mga hukbo, ang paggapos at pagbubulid kay Satanas sa kalaliman, ang pagkabuhay-muli ng mga patay, at ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo.

Ipinakikita ng konteksto na ang Panginoong tinutukoy sa pananalitang “araw ng Panginoon” ay si Jesu-Kristo. Karaka-raka pagdating ni Juan “sa araw ng Panginoon,” narinig niya, hindi ang tinig ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, kundi ang tinig ng binuhay-muling Anak ng Diyos. (Apo 1:10-18) Ang ‘araw ng Panginoon’ na binanggit sa 1 Corinto 1:8; 5:5; at 2 Corinto 1:14 ay kapit din kay Jesu-Kristo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share