Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 4/15 p. 26-27
  • “Ang Araw ng Panginoon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Araw ng Panginoon”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Araw ng Panginoon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Si Jesu-Kristo ay Panginoon”—Papaano at Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ang Aklat ng Apocalipsis​—Ano ang Kahulugan Nito?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ano ang Magiging Kahulugan Para sa Iyo ng Araw ng Panginoon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 4/15 p. 26-27

“Ang Araw ng Panginoon”

“AKO’Y kinasihan na masaksihan ang araw ng Panginoon.” (Apocalipsis 1:10) Ganiyan ang sinabi ng matanda nang apostol na si Juan, na nakalarawan sa itaas, sa unang kabanata ng aklat ng Apocalipsis sa Bibliya. Ang kaniyang mga salita ay tumutulong sa atin na alamin ang panahon ng katuparan ng mga dakilang pangitain na kaniyang iniuulat.

Gayunman, hindi lahat ay sumasang-ayon sa pagkasaling ito ng Apocalipsis 1:10. Halimbawa, ang tagapagsalin ng Bibliyang Aleman na si Jörg Zink ay ganito ang pagkasalin doon: “Ako’y napuspos ng banal na espiritu​—iyon ay Linggo.” Gayunman, ang salin ng karamihan ng mga bersiyon ng Bibliya sa Griegong pariralang teiʹ ky·ri·a·keiʹ he·meʹrai ay “ang araw ng Panginoon.” Subalit sa isang talababa marami ang nagsasabi na ito’y kumakapit sa araw ng Linggo. Ito ba’y tama?

Ang Alemang Herders Bibelkommentar, isang Katolikong aklat na reperensiya, ay nagpapaliwanag sa dahilan na nasa likod ng ganitong kaisipan nang sabihin ito: “Ang tinutukoy rito [sa Apocalipsis 1:10] ay hindi ang Araw ng Katapusang Paghuhukom, na kinikilala rin na ang ‘Araw ng Panginoon’, kundi ang isang espesipikong araw ng sanlinggo. Sinimulang ipagdiwang ng mga unang Kristiyano ang unang araw ng sanlinggo bilang ang araw ng kanilang pangunahing mga serbisyo sa simbahan sing-aga ng kalagitnaan ng unang siglo. (Gawa 20:7; 1 Cor. 16:2)” Gayunman, ang dalawang kasulatan na binanggit na ng reperensiyang aklat na iyan ay hindi nagpapatunay sa anumang paraan na ang pagkakilala ng mga Kristiyano noong unang siglo sa unang araw ng sanlinggo ay “ang araw ng kanilang mga pangunahing serbisyo sa simbahan.”

Ang unang teksto, Gawa 20:7, ay nag-uulat lamang na si Pablo, ang kaniyang mga kasama sa paglalakbay, at ang mga Kristiyano na taga-Troas ay nagkatipon noong unang araw ng sanlinggo para sa isang pagsasalu-salo sa pagkain. Yamang si Pablo ay aalis na sa kinabukasan at hindi na niya sila makikitang muli sa loob ng ilang panahon, kaniyang sinamantala ang okasyong iyon upang magpahayag sa kanila sa wakas.

Ang ikalawang teksto, 1 Corinto 16:2, ay humimok sa mga Kristiyano sa Corinto na magtabi ng salapi “tuwing unang araw ng sanlinggo” upang magkaroon ng maiaabuloy sa mga nasa pangangailangan sa Judea. Ipinahiwatig ng iskolar na si Adolf Deissmann na ang araw na ito ay baka isang araw ng suweldo. Magkagayon man, ang mungkahi ni Pablo ay praktikal, yamang ang salapi ay maaaring maubos sa loob ng sanlinggo.

Saanman sa Bibliya ay hindi sinasabi na noong panahong apostoliko ang tingin ng mga Kristiyano sa unang araw ng sanlinggo, ngayo’y tinatawag na araw ng Linggo, ay isang uri iyon ng sabbath ng mga Kristiyano, isang araw na tanging itinatakda para sa kanilang regular na mga pagpupulong sa pagsamba. Pagkamatay na lamang ng mga apostol ganito ang pagkakilala sa Linggo at tinawag na “ang araw ng Panginoon.” Ito’y bahagi ng apostasya na inihula ni Jesus at ng mga apostol mismo.​—Mateo 13:36-43; Gawa 20:29, 30; 1 Juan 2:18.

Ano, kung gayon, “ang araw ng Panginoon”? Ang konteksto na Apocalipsis 1:10 ay nagpapakitang si Jesus, ang Panginoon na kinauukulan ng araw na iyon. Ang Salita ng Diyos ay tumutukoy ng mga pangungusap na gaya baga ng “ang araw ng ating Panginoong Jesu-Kristo” na isang panahon ng paghuhukom para sa sangkatauhan at ng pagsasauli ng Paraiso.​—1 Corinto 1:8; 15:24-26; Filipos 1:6, 10; 2:16.

Sa gayon, si Hans Bruns, sa kaniyang salin na may komentaryong, Das Neue Testament (Ang Bagong Tipan), ay tama nang kaniyang sabihin: “Sinasabi ng iba na dito ang tinutukoy niya [ni Juan] ay araw ng Linggo, ngunit mas malamang na ang kaniyang tinutukoy ay ang maningning na Araw ng Panginoon, na gayumpaman kinauukulan ng lahat ng kaniyang sumusunod na paglalarawan.” Sinasabi ni W. E. Vine: “ ‘Ang Araw ng Panginoon’ . . . ay ang Araw ng Kaniyang inihayag na paghuhukom sa daigdig.” Ang Lexikon zur Bibel (Lexicon ng Bibliya) ni Fritz Rienecker ay nagsasabi na “ang araw ng Panginoon” ay malinaw na tumutukoy sa “araw ng paghuhukom.”

Ang tamang pagkaunawa sa pananalitang “ang araw ng Panginoon” ay tumutulong sa atin na maunawaan ang buong aklat ng Apocalipsis. Bukod diyan, ang katibayan ay nagpapakita na ang araw na iyan ay nagsimula na. Kung gayon, anong pagkahala-halaga nga na ating ‘pakinggan ang mga salita ng hula ng Apocalipsis at tuparin ang mga bagay na nasusulat dito’!​—Apocalipsis 1:3, 19.

[Larawan sa pahina 27]

Isang malinaw at napapanahong paliwanag ng bawat talata sa aklat ng Apocalipsis ang tinatalakay sa “Apocalipsis​—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!” Ang kabigha-bighaning pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya ay makukuha sa 33 mga wika

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share