Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Licia”
  • Licia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Licia
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Pisidia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Patara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Asia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mira, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Licia”

LICIA

Isang bulubunduking rehiyon sa TK baybayin ng Asia Minor. Nasa dakong HK ng Licia ang Caria; sa dakong H, Frigia at Pisidia; at sa dakong HS, Pamfilia. Ang mga bundok sa teritoryo ng sinaunang Licia ay mga tagaytay ng Kabundukan ng Taurus. Partikular na sa silanganing kalahatian ng rehiyon, ang mga ito ay halos nasa baybayin. Ang mga libis ng ilog dito, pangunahin na yaong sa Xanthus (makabagong Koca), ay mataba. Maraming pananim sa mga burol, at ang mga dalisdis ng bundok ay naglalaan ng pastulan para sa mga tupa.

Dalawang lunsod ng Licia, ang Patara at Mira, ang espesipikong binanggit may kaugnayan sa mga paglalakbay ng apostol na si Pablo. Ngunit walang rekord na nangaral siya roon.​—Gaw 21:1; 27:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share