Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Patara”
  • Patara

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patara
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Licia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mira, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Mga Panganib sa Dagat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 18:23–21:17) mga 52-56 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Patara”

PATARA

Ang daungang-dagat ng Licia kung saan ang apostol na si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay lumipat sa isang barko na maglalayag patungong Fenicia, malamang na noong 56 C.E. (Gaw 21:1, 2) Ang Patara ay iniuugnay ngayon sa sinaunang mga guho sa nayon ng Gelemish na nasa bulubunduking TK baybayin ng Asia Minor at mga 10 km (6 na mi) sa S ng bukana ng Ilog Xanthus (Koca). Ito ay nagsilbing himpilang daungan para sa mga barkong mula sa Italya, Ehipto, Sirya, at iba pang mga lugar, at ito ang pangunahing daungan ng mga lunsod na nasa kahabaan ng libis ng Ilog Xanthus.

Sa Gawa 21:1, idinagdag ng ilang sinaunang manuskrito ang “at Mira” pagkatapos ng Patara. Kung tama ang pagdaragdag na ito, ang barkong sinakyan ni Pablo mula sa Mileto ay alinman sa lumampas sa Patara o dumaong doon, anupat ang aktuwal na paglipat sa ibang barko ay naganap sa Mira, hindi sa Patara.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share