MADMEN
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “dumi”].
Waring isang lugar sa Moab na inihulang daranas ng kapahamakan sa pamamagitan ng tabak. Sa Jeremias 48:2, ang pariralang Hebreo na gam-madh·menʹ tid·domʹmi ay isinaling “Ikaw rin, O Madmen, ay dapat na manahimik.” Maraming iskolar ang naniniwala na ang unang m sa madh·menʹ (“Madmen”) ay di-sinasadyang naulit mula sa naunang salita (gam). Kung wala ang unang m, ang mga katinig ng Madmen ay kapareho niyaong sa Dimon, kaya naman kadalasang ipinapalagay na iisang lugar ang Madmen at ang Dimon (posibleng ang Dimna, na mga 10 km [6 na mi] sa H ng Karak). Gayunman, maaaring ang Madmen ay hindi tumutukoy sa isang aktuwal na lokasyon, yamang ipinahihiwatig ng mga salin ng Griegong Septuagint, Syriac na Peshitta, at Latin na Vulgate na ang sinaunang tekstong Hebreo ay kababasahan, ‘Oo, ikaw [Moab] ay lubusang patatahimikin.’