MARA
[Mapait].
Mara ang pangalang iminungkahi ng balo ni Elimelec na itawag sa kaniya upang ipahayag ang kapaitang dinanas niya dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa at mga anak na sina Mahalon at Kilion. Umalis si Noemi sa Betlehem na may asawa at dalawang anak (Ru 1:1, 2), ngunit bumalik siya mula sa Moab na isang malungkot at walang-anak na balo. Noong panahong iyon, ang kaniyang matatagal nang mga kaibigan, ang mga babae sa Betlehem, ay nagtanong: “Ito ba si Noemi?” Palibhasa’y namimighati pa rin, tumugon siya: “Huwag ninyo akong tawaging Noemi [nangangahulugang “Ang Aking Kaigayahan”]. Tawagin ninyo akong Mara [nangangahulugang “Mapait”], sapagkat lubha akong pinapait ng Makapangyarihan-sa-lahat. Punô ako nang ako ay umalis, at wala akong dala nang pabalikin ako ni Jehova.”—Ru 1:19-21.