Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang Imperyo ng Babilonya”
  • Ang Imperyo ng Babilonya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Imperyo ng Babilonya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Babilonya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Makapangyarihang Babilonya—Ang Ikatlong Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ibinaba ni Jehova ang Isang Mapagmataas na Lunsod
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Huwad na Relihiyon​—Patiunang Nakita ang Madulang Wakas Nito
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang Imperyo ng Babilonya”

FEATURE

Ang Imperyo ng Babilonya

ANG Babilonya ay tunay na isang kahanga-hangang lunsod​—ang nagtataasan nitong mga pader, ang Processional Way nito, ang bantog na Hanging Gardens, at ang mahigit na 50 templo.

Maagang-maaga sa kasaysayan ng tao, ang Babel (nang maglaon ay tinawag na Babilonya) ay naging isang prominenteng sentro ng pagsamba na salansang sa tunay na Diyos na si Jehova. (Gen 10:9, 10) Binigo ni Jehova ang layunin ng mga tagapagtayo nito sa pamamagitan ng paggulo sa wika ng mga tao at pagpapangalat sa kanila patungo sa lahat ng dako sa lupa. (Gen 11:4-9) Sa gayon, ang huwad na pagsamba na nagmula sa Babilonya ay lumaganap sa ibang mga lupain.

Ang pagsalansang ng Babilonya kay Jehova ay humantong sa pagbagsak nito. Sa hula, inilarawan ni Jehova ang Babilonya bilang isang leon na may mga pakpak ng agila; inihula rin niya na babagsak ito at matitiwangwang. Noong gabi ng Oktubre 5, 539 B.C.E., ang Babilonya ay nakuha ni Cirong Dakila, na ang pangalan ay inihula ni Jehova. Bumagsak ang Babilonya ayon sa mismong paraan na inihula. Nang bandang huli, ang lunsod ay naging “mga bunton ng mga bato,” anupat hindi na muling maitatayo.​—Jer 51:37; tingnan ang Isa 44:27–45:2.

MGA PANGUNAHING LUNSOD

Babilonya: Kabisera ng pulitika at relihiyon ng imperyo; maraming Judio ang naging tapon dito

Tema: Lumilitaw na ikalawang kabisera, itinatag ni Haring Nabonido, na nag-iwan kay Belsasar ng pangangasiwa sa Babilonya

Nineve: Kabisera ng Asirya, na bumagsak sa isang koalisyon ng mga Caldeo at mga Medo noong 632 B.C.E.

Carkemis: Dito tinalo ni Nabucodonosor II ang mga hukbong Ehipsiyo, sa gayo’y nagsimulang mangibabaw ang Babilonya sa Sirya

Jerusalem: Naging sakop ng Babilonya noong 620 B.C.E. Kinubkob ng mga hukbong Babilonyo noong 618-617 at noong 609-607 B.C.E.

Tiro: Sumuko sa mga hukbong Babilonyo pagkatapos ng 13-taóng pagkubkob

[Mapa sa pahina 321]

MAPA: Ang Imperyo ng Babilonya

[Larawan sa pahina 322]

Muling-itinayong Ishtar Gate

[Larawan sa pahina 322]

Ang ziggurat sa Ur. Malamang na ang toreng itinayo sa Babel ay isang relihiyosong ziggurat na gaya nito

[Larawan sa pahina 323]

Inilalahad ng inskripsiyong ito ang paghahambog ni Nabucodonosor II tungkol sa lahat ng ginawa niya upang palakihin at palawakin ang Babilonya (Ihambing ang Dan 4:30)

[Larawan sa pahina 323]

Mga Pader ng Babilonya. Ang lunsod ay waring di-magagapi. Ipinagsasanggalang ito ng napakalalaking doblihang pader. May ikalawang hanay ng mga pader na nakapalibot sa silangang bahagi ng lunsod; isang pader din ang nagsisilbing pananggalang sa kahabaan ng silangang pampang ng Eufrates na dumaraan sa lunsod. Ang templo ni Marduk ang tampok na bahagi ng Babilonya. Nauugnay dito ang tore ng Etemenanki (itinuturing ng ilan bilang ang Tore ng Babel), na umaabot sa taas na 91 m (300 piye)

[Larawan sa pahina 323]

Dekorasyon mula sa Processional Way ng Babilonya. Kapansin-pansin na sa Bibliya, ang Babilonya ay isinasagisag ng isang leon (Dan 7:4)

[Larawan sa pahina 324]

Luwad na modelo ng atay ng tupa, inukitan ng mga tanda at mga pormula sa mahika; ginamit sa Babilonya para sa panghuhula (Ihambing ang Eze 21:20-22)

[Larawan sa pahina 324]

Si Nabonido, ang huling kataas-taasang monarka ng Babilonya, at ang mga sagisag ng mga diyos niya (buwang gasuklay ng diyos-buwan na si Sin, may-pakpak na araw ng diyos-araw na si Shamash, bituin ni Ishtar). Hindi nailigtas ang Babilonya ng mga bagay sa kalangitan at ng mga diyos na iniuugnay sa mga ito (Isa 47:12-15)

[Larawan sa pahina 324]

Ito ang sinasabing pinakamatandang halimbawa ng horoscope; mula sa Babilonia; pinaniniwalaang mula pa noong ikalimang siglo B.C.E.

[Larawan sa pahina 324]

Ang mga guho ng sinaunang Babilonya ay nagpapatotoo sa pagkamaaasahan ng hula ng Bibliya. Ang Babilonya noon “ang kagayakan ng mga kaharian”; ito ngayon ay “tiwangwang na kaguhuan” (Isa 13:19-22; Jer 50:13)

[Larawan sa pahina 325]

Ang pagbagsak ng Babilonya

[Larawan sa pahina 325]

Ang Nabonidus Chronicle​—isang tapyas na cuneiform na nagpapatunay sa biglaang pagbagsak ng Babilonya kay Ciro

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share