Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pamilihan”
  • Pamilihan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pamilihan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pamilihan
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ebanghelyo ni Mateo—Ilang Mahahalagang Pangyayari
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pariseo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Apio, Pamilihan ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pamilihan”

PAMILIHAN

Isang hantad na lugar na nagsilbing isang sentro para sa pagbili at pagbebenta at isang dako para sa pagtitipon ng publiko sa mga lunsod at mga bayan ng sinaunang Gitnang Silangan at ng daigdig na Romano. Sa Griego at Romanong mga lunsod, ang hantad na lugar na ito ay napalilibutan ng mga estatuwa at mga gusaling pampubliko, kabilang na rito ang mga relihiyosong gusali. Noon, waring sa mga pamilihan inaasikaso ang ilang hudisyal na bagay. (Ihambing ang Gaw 16:19-21.) Gayundin, sa pamilihan maaaring makakuha ng mga balita, kapuwa lokal at mula sa ibang lugar, sapagkat doon nagtitipon ang mga tao at nag-uusap tungkol sa pinakahuling mga kaganapan.​—Ihambing ang Gaw 17:17-21.

Noon, makasusumpong sa mga pamilihan ng Palestina ng mga batang naglalaro. (Mat 11:16; Luc 7:32) Makakakita rin doon ng nakatayong mga lalaki na walang trabaho at mga taong naghahanap ng trabaho at handang magpaupa nang arawan. (Ihambing ang Mat 20:3, 4.) Nais naman ng mapagmapuring mga eskriba at mga Pariseo na pansinin sila ng mga pulutong doon at batiin sila ayon sa inaangkin nilang mataas na katayuan. (Mat 23:2, 6, 7; Mar 12:38; Luc 11:43; 20:46) Pagkagaling sa pamilihan, ang mga Pariseo at ang iba pang mga Judio na masunurin sa tradisyon ay naglilinis ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pagwiwisik bago kumain ng anuman.​—Mar 7:3, 4.

Noong naririto sa lupa si Kristo Jesus, nagpagaling siya ng mga tao sa mga pamilihan. (Mar 6:56) Ang apostol na si Pablo naman, noong nasa Atenas, ay araw-araw na nangatuwiran “sa pamilihan doon sa mga nagkataong naroroon.”​—Gaw 17:16, 17; tingnan ang APIO, PAMILIHAN NG.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share