Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Mangangalakal”
  • Mangangalakal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mangangalakal
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • “Pagkasumpong sa Isang Perlas na may Mataas na Halaga”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Pagdadalamhati at Pagsasaya sa Katapusan ng Babilonya
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Barkong Pangkalakal Noong Unang Siglo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Tiro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Mangangalakal”

MANGANGALAKAL

Isang tao na bumibili at nagbebenta o nakikipagpalit ng kalakal upang tumubo; isang negosyante. Ang terminong Hebreo na isinasalin bilang “mangangalakal” ay literal na tumutukoy sa isang tao na ‘naglalakbay sa iba’t ibang lugar’ upang mangalakal.​—Gen 34:10, tlb sa Rbi8.

Maagang-maaga sa kasaysayan ng mga tao, nagkaroon sila ng kasanayan sa partikular na mga gawain, anupat nagpakadalubhasa sa kanilang hanapbuhay. (Gen 4:20-22) Natural lamang na sinundan ito ng komersiyo at pakikipagkalakalan, at nang maglaon, maraming indibiduwal ang eksklusibong nagtrabaho bilang mga mangangalakal at mga negosyanteng nagbebenta ng napakaraming uri ng paninda. Nang makarating si Abraham sa Canaan noong maagang bahagi ng ikalawang milenyo B.C.E., mayroon nang ginagamit at kinikilalang mga panimbang at mga panukat sa pangangalakal. (Gen 23:16) Iniutos ng Kautusang Mosaiko na gawing pare-pareho at tapat ang mga panukat ng mga mangangalakal.​—Deu 25:13-16; Kaw 11:1; 20:10; Mik 6:11.

May mga mangangalakal noon na may sariling tindahan; ang iba naman ay nagnegosyo sa mga lunsod sa mga pamilihan at mga tiangge. (Ne 13:20) Ang ilan ay nagmamay-ari ng mga barko na nagpaparoo’t parito sa malalayong karagatan upang mag-uwi ng mahahalagang kalakal mula sa malalayong lupain. (Aw 107:23; Kaw 31:14) Ang ibang mga negosyante naman ay naglalakbay sa malalayong ruta ng kalakalan sa katihan noong sinaunang panahon. (1Ha 10:14, 15; 2Cr 9:13, 14) Sa gayong mga naglalakbay na mangangalakal, na patungo sa Ehipto, ipinagbili si Jose ng kaniyang mga kapatid.​—Gen 37:25, 28.

Lahat ng mga bansa noon, maliliit at malalaki, ay may mga mangangalakal, at marami ang yumaman dahil sa kanilang gawain. Halimbawa, nariyan ang mga mangangalakal ng Etiopia (Isa 45:14), ng Asirya (Na 1:1; 3:16), ng kaharian ni Solomon (1Ha 10:28; 2Cr 1:16), at ng Sidon at Tiro (Isa 23:2, 8).

Sa hula ni Ezekiel, inilalarawan ang lunsod ng Tiro bilang isang malaking sentro ng komersiyo na pinaparoonan ng mga barko at mga naglalakbay na pulutong mula sa lahat ng bahagi ng daigdig upang makipagkalakalan. Inilalarawan din ng mismong hulang ito ang napakaraming uri ng kalakal na ibinebenta ng mga mangangalakal na ito, na nagpayaman sa daungang lunsod na iyon, gaya ng pilak, bakal, lata, tingga, mga kagamitang tanso, mga kabayo, mga mula, garing, ebano, turkesa, lana, tininang mga kayo, mga korales, mga rubi, trigo, espesyal na mga pagkain, pulot-pukyutan, langis, balsamo, alak, kasia, kania, mga kasuutang yari sa hinabing tela, mga pabango, mahahalagang bato, at ginto.​—Eze 27:2, 12-25.

Ang salitang Griego na emʹpo·ros (ang poʹros ay nangangahulugang “paglalakbay”) ay tumutukoy sa isang naglalakbay na mangangalakal, o sa isang tao na “naglalakbay.” Ang isang halimbawa nito ay ang naglalakbay na mangangalakal sa ilustrasyon ni Jesus na naghahanap ng mamahalin at maiinam na perlas. (Mat 13:45) Sa makasagisag na aklat ng Apocalipsis, sinasabing yumaman ang mga naglalakbay na mangangalakal dahil sa “dakilang patutot . . . ‘Babilonyang Dakila, ang ina ng mga patutot,’⁠” at na sila ay tumatangis at nagdadalamhati dahil sa kaniyang pagbagsak at pagkapuksa. (Apo 17:1, 5; 18:3, 11-15) Ang Babilonyang Dakila ay mayroon ding sariling mga naglalakbay na mangangalakal, “ang mga taong matataas ang katungkulan sa lupa.”​—Apo 18:23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share