MESELEMIAS
[Si Jehova ay Nakikipagpayapaan (Nagbabayad; Gumaganti)].
Isang Kohatitang Levita at ulo ng angkan ng isang pangkat ng mga Korahita. Siya ay “nagkaroon ng mga anak at mga kapatid, mga lalaking may kakayahan, labingwalo,” na inatasan kasama niya bilang mga bantay ng pintuang-daan ng santuwaryo noong panahon ng muling pag-oorganisa ni Haring David sa makasaserdote at Levitikong mga paglilingkod. (1Cr 26:1-3, 9) Malamang na siya rin ang Selemias ng 1 Cronica 26:14. Ang kaniyang anak na si Zacarias “ang bantay ng pintuang-daan sa pasukan ng tolda ng kapisanan.”—1Cr 9:21.