MEUNIM, MGA
Salig sa pangalan, ang mga Meunim ay itinuturing na mga taong Arabe na naninirahan sa loob at sa paligid ng Maʽan, isang lunsod na mga 32 km (20 mi) sa STS ng Petra.
Sa tulong ni Jehova, ang Judeanong si Haring Uzias (829-778 B.C.E.) ay matagumpay na nakipagdigma laban sa mga Meunim. (2Cr 26:1, 7) Marahil nang panahong iyon, ang ilan sa mga bihag na mga Meunim ay ginawang mga alipin sa templo, at kung gayon, ang kanilang mga inapo ay itinala nang dakong huli kasama ng mga Netineo na bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya.—Ezr 2:1, 2, 43, 50; Ne 7:52; ihambing ang Aw 68:18.
Noong panahon ng paghahari ni Hezekias (745-717 B.C.E.), pinabagsak ng isang pulutong ng mga Simeonita ang mga Hamita at Meunim sa kapaligiran ng Gedor.—1Cr 4:24, 39-41; tingnan ang AMMONIM, MGA.