NAHUM
[Mang-aaliw [samakatuwid nga, isa na nagpapatibay-loob]].
1. Isang propetang Israelita noong ikapitong siglo B.C.E at ang manunulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Si Nahum ay maaaring nasa Juda nang panahong itala niya ang kaniyang hula. (Na 1:15) Ang kaniyang pagiging Elkosita ay maliwanag na nangangahulugang tumatahan siya sa Elkos, posibleng isang lunsod o nayon sa Juda.—Na 1:1; tingnan ang ELKOSITA.
2. Isang ninuno ni Jesu-Kristo na nabuhay pagkatapos ng pagkatapon sa linya ng kaniyang ina sa lupa na si Maria.—Luc 3:25.