OHOLA
[Ang Kaniyang Tolda [ng Pagsamba]].
Inilalarawan ng Ezekiel kabanata 23 ang Samaria (kumakatawan sa sampung-tribong kaharian ng Israel) bilang ang patutot na si Ohola, ang nakatatandang kapatid ni Oholiba, kumakatawan sa Jerusalem (ang kaharian ng Juda). Ang bagay na ang sampung-tribong kaharian ay nagtatag ng sarili nitong mga sentro ng pagsamba ay maaaring ipinahihiwatig ng pangalang Ohola, “Ang Kaniyang Tolda [ng Pagsamba].” Ang kaniyang espirituwal na pagpapatutot ay nagsimula sa Ehipto at nagpatuloy sa Lupang Pangako. Nang dakong huli ay nasangkot na rito ang panunuyo niya sa mga Asiryano at ang pagsasagawa ng karumal-dumal na idolatrosong mga gawain, kabilang na ang paghahain ng mga anak. Dahilan sa kawalang-katapatan nito sa kaniya, ibinigay ni Jehova si Ohola (ang hilagang kaharian) sa mga kamay ng mga Asiryano, na mga mangingibig nito.