OPNI
Isang lunsod ng Benjamin. (Jos 18:21, 24) Karaniwan itong iniuugnay sa Gophna na binanggit ni Josephus (The Jewish War, III, 55 [iii, 5]) at itinuturing na ito’y ang makabagong Jifna. Ang lugar na ito ay mga 5 km (3 mi) sa HHK ng Bethel at dahil dito’y waring nasa H ng teritoryo ng mga Benjamita. (Jos 18:11-13) Upang maging wasto ang nabanggit na pag-uugnay, kailangang ipalagay na ang Opni ay isang nakapaloob na Benjamitang lunsod sa Efraim o na ang hangganan ng Benjamin ay umabot hanggang sa gawing hilaga malapit sa Bethel anupat saklaw nito ang iminumungkahing lokasyon ng Opni.